Pangulong Duterte dumating na sa Moscow Russia

Dumating na sa Russia si Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang 5-day official visit.

Mag-aalas – 9:00 ngayong umaga oras sa Pilipinas o madaling araw sa Russia nang lumapag ang eroplano kung saan lulan ang Pangulo sa Vnokuvo Military Airbase.

Sinalubong ang Pangulo nina Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta at Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev.

Kasama ni Pangulong Duterte sa kanyang  Russian Trip ang labing anim na miyembro ng kanyang gabinete.

Ilan sa mga magiging highlights ng Pangulo sa kanyang unang araw sa Russia ay ang bilateral meeting kay Russian Prime Minister Demitry Medvedev.

Nakatakda naman mag-courtesy call kay Pangulong Duterte ang Chief Executive Officer ng ROSNEF at Global Public oil and Gas Corporation alas sais ng gabi sa Russia bago ito lumipad patungong Sochi para sa pulong nila bukas ni Russian President Vladimir Putin at speaking engagement sa plenary session ng Valdai Discussion Club.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *