Pangulong duterte hindi lame duck at hindi susukuan ang katiwalian – Senador Marcos

Hindi lame duck si pangulong duterte at wala itong balak sukuan ang paglaban sa katiwalian.

Ito ang paniniwala ni senador imee Marcos sa naunang pahayag ng pangulo na nag alok siya ng pagbibitiw sa puwesto dahil sa frustration sa talamak at walang katapusang katiwalian sa mga ahensya ng gobyerno.

Ayon kay marcos, ang pangulo ay suportado pa rin ng mahigit walumpung porsyento ng mga pilipino.

Kilala nya rin aniya ang pangulo bilang isang warrior at hindi ito magbibitiw sa puwesto at hindi ito susuko sa paglaban sa katiwalian  sa pamahalaan .

Meanne Corvera

Please follow and like us: