Pangulong Duterte hindi patatawarin ang mga Ninja cops

Nangako si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya palulusutin ang mga tinaguriang Ninja cops na sangkot sa operasyon at recycling ng iligal na droga sa bansa.

Sinabi ng Pangulo na tila naghahari-harian ang mga Ninja cops dahil sa kabila ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan sa iligal na droga ay patuloy pa rin ito sa kanilang iligal na gawain.

Ayon sa Pangulo, titiyakin niya na mananagot sa batas o mapapatay ang mga ninja cops.

Batay sa report, naisumite na ng Senado ang pangalan ng mga ninja cops na nakalkal sa isinagawang inbestigasyon ng Senado at nasa desisyon na ng Chief Executive kung ibubulgar ang kanilang mga pangalan sa publiko.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *