Pangulong Duterte, hinimok na magtalaga na ng bagong commissioners ng Comelec

Umaapila si Senador Sherwin Gatchalian kay Pangulong Rodrigo Duterte na magtalaga ng mga bagong opisyal ng COMELEC matapos magretiro ang dalawa sa kanilang Senior commissioners na sina Christian Robert Lim at Arthur Lim.

Ayon kay Gatchalian, ito ay para masigurong hindi maaantala ang preparasyon para sa halalan.

Hindi aniya maaring maantala ang operasyon ng Comelec dahil nalalapit na ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa Mayo bukod pa sa midterm elections sa susunod na taon.

Nanganganba ang senador na maaring madiskaril ang operasyon ng comelec lalot maari pang maisama sa bulto ng kanilamg trabaho ang posibilidad ng mga plebesito na may kinalaman sa Charter Change.

 

Ulat ni Meanne Corvera

 

=== end ===

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *