Pangulong Duterte, ipinag-utos ang paghahanda ng ibang evacuation centers sa labas ng Calabarzon area

Inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na maghanda ng evacuation centers sa labas ng CALABARZON o Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.

Ayon sa Pangulo nais niyang matiyak na nasa ligtas na lugar ang mga evacuees na apektado ng pagsabog ng bulkang Taal.

Ayon sa Pangulo wala pang katiyakan kung tuluyan ng huhupa ang pag-aalburuto ng Taal volcano o magkakaroon pa ng big bang o major eruptions.

Inihayag ng Pangulo na handa ang national government para tulungan ang mga biktima ng pagsabog ng Taal volcano.

Tiniyak pa ng Pangulo na may sapat na pundo ang gobyerno para bigyang ayuda ang mga tinamaan ng Taal volcano eruption.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us: