Pangulong Duterte lalahok sa national day of protest para iprotesta ang mga dilawang nasa gobyerno

Niliwanag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang deklarasyon ng National Day of Protest sa September 21 sa pamamagitan ng  Proclamation 319.

 

Sinabi ng Pangulo na maging siya ay mayroong protesta sa gobyerno kaya kasama siya sa maglalabas ng hinaing sa pamahalaan.

Ayon sa Pangulo iproprotesta niya ang mga dilawan na kasalukuyang nakaupo sa gobyerno na hindi naman niya masibak dahil sila ay protektado ng security of tenure.

Inihayag ng Pangulo na malaya ang sinuman at alin mang grupo na maglabas ng saloobin sa gobyerno sa ilalim ng prinsipyo ng demokrasya basta walang malalabag na batas at mananatiling payapa ang mga kilos protesta.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *