Pangulong Duterte, magbibigay ng fully-furnished house and lot kay Olympic Gold medalist Hidilyn Diaz

Nag-courtesy call kay Pangulong Duterte sa pamamagitan ng videoconferencing si Olympic Gold medalist Hidilyn Diaz matapos itong makauwi sa bansa kagabi.

Bukod sa pagbati ay pinangakuan rin ng Pangulo si Hidilyn na bibigyan ng tatlong milyong pisong cash at isang fully furnished house and lot sa Zamboanga City.

Bukod pa ito sa sampung milyong pisong makukuha niya mula sa pamahalaan sang-ayon sa isinasaad sa batas bilang premyo sa makakakuha ng gold medal sa olympics.

Sa bandang huli ng kanilang pag-uusap ay si Pangulong Duterte pa ang sumaludo kay Hidilyn.

Samantala, promoted na rin si Hidilyn sa ranggong staff sergeant sa Philippine Air Force.

Please follow and like us: