Pangulong Duterte, magtutungo ngayong araw sa Benham Rise

 

Magtutungo ngayong araw si Pangulong Rodrigo Duterte sa Benham Rise o Philippine Rise kasama ang ilang miyembro ng media.

Pangungunahan ng Pangulo  ang paggunita sa unang anibersaryo ng pagpapangalan ng 13 milyong ektaryang underwater plateau bilang Philippine rise.

Maliban dito, pangungunahan din ni Pangulong Duterte ang send-off ceremony ng 50 Filipino scientists na magsasagawa ng scientific research sa Philippine rise.

Ang Philippine rise ay ini-award ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) sa Pilipinas bilang bahagi ng Exclusive Economic Zone noong 2012.

 

===============

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *