Pangulong Duterte, malabo ng pumunta sa Amerika- Malakanyang

Hindi na pupunta sa Amerika si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang paniniwala ni Presidential Spokesman Salvador Panelo matapos tuluyang pawalang bisa ng Pangulo ang Visiting Forces Agreement o VFA sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Sinabi ni Panelo na pinaninindigan ng Pangulo ang patakaran ng kanyang administrasyon na magpatupad ng independent foreign policy.

Ayon kay Panelo nais ng Pangulo na tumindig sa sariling paa ang Pilipinas na hindi umaasa sa Amerika lalo sa usapin ng depensa.

Inihayag ni Panelo na maging ang economic control ng Amerika sa Pilipinas ay nais ng Pangulo na putulin upang ganap na magiging malaya ang bansa sa dikta ng mga dayuhan.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us: