Pangulong Duterte, marami ng sakit na nararamdaman dahil sa edad- Malakanyang

Inamin ng Malakanyang na marami ng sakit na nararamdaman si Pangulong Rodrigo Duterte dahi sa kanyang edad.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na natural lamang sa taong nagkakaedad na mayroong mga nararamdaman sa kanyang kalusugan.

Ayon kay Panelo hindi nàman hadlang ang mga nararamdamang sakit ng Pangulo para sa pagtupad ng kanyang tungkulin.

Inihayag ni Panelo kahit may nararamdaman ang Pangulo sa kanyang katawan pareho parin ang kanyang schedule at panay parin ang trabaho para sa bayan.

Si Pangulong Duterte ang pinakamatandang nahalal na Presidente ng bansa.

Ulat ni Vic Somintac