Pangulong Duterte, mas gustong gunitain ang Liberation of Marawi kaysa Marawi siege -Malakanyang

Mas gustong gunitain ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalaya sa lunsod ng Marawi sa kamay ng mga teroristang Maute- Isis group.

Sinabi ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na muling magtutungo si Pangulong Duterte sa Marawi subalit hindi ngayong araw na ginugunita ng mga Maranaw ang pananakop ng mga terorista na sumira sa buong ciudad.

Ayon kay Secretary Go,mas gusto ng Pangulo na sa pagdalaw niyang muli sa Marawi ay makita na balik na sa normal ang pamumuhay ng mga Maranaw.

Inihayag ni Secretary Go na sa ngayon maganda ang tinatakbo ng rehabilitasyon ng Marawi City at 70 percent  ng mga residente ay nakabalik na sa kanilang tahanan.

Magugunitang tumagal ng limang buwan ang military operation sa Marawi city at idineklarang malaya na sa kamay ng mga teroristang Maute-Isis group noong October 16, 2017 matapos mapatay ang lider ng mga terorista na sina Isnilon Hapilon at Maute brothers.

 

Ulat ni Vic Somintac

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *