Pangulong Duterte, muling haharap sa publiko mamayang gabi

Muling haharap sa bayan si Pangulong Rodrigo Duterte pagkatapos pulungin ang Inter-Agency Task Force o IATF sa Davao City.

Sinabi ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na umuwi sa Davao City ang Pangulo noong weekend matapos ang ilang linggong pamamalagi sa Malakanyang.

Ayon kay Roque iuulat ng Pangulo sa bayan ang mga karagdagang developments ng ginagawang hakbang ng pamahalaan laban sa pandemya ng Covid-19.

Inihayag ni Roque, ilalatag din ng IATF kay Pangulong Duterte ang ilang rekomendasyon na may kinalaman sa unti-unting pagluluwag ng mga patakaran sa quarantine protocol para mabuksan pa ang ilang negosyo at makausad pa ang ekonomiya ng bansa.

Vic Somintac

Please follow and like us: