Pangulong Duterte, nabakunahan na kontra Covid-19


Naturukan na ng bakuna laban sa Covid-19 si Pangulong Rodrigo Duterte kaninang alas-6:59 ng gabi.

Sa video at mga larawan na ibinahagi ni Senador Christopher Bong Go, mismong si Health Secretary Francisco Duque III ang nagturok ng bakuna sa kaniyang kaliwang braso.

Sinopharm na dinevelop ng China ang itinurok na bakuna sa Pangulo.

Ayon kay Go, nagpabakuna ang Pangulo matapos itong bigyan ng go signal ng kaniyang doktor.

Ang Pangulo na 76 na taong gulang ay kabilang sa mga priority na dapat bakunahan dahil bukod sa kanilang edad kabilang ito sa Person with Comorbidity.

Sinabi pa ni Go na nagpabakuna ang Pangulo hindi lang para maprotektahan ang kaniyang kalusugan mula sa COVID-19, kundi para rin hikayatin ang publiko na magpabakuna.

Sinabi aniya ng Pangulo na tanging ang bakuna ang sagot para tuluyang mapababa ang kaso ng Covid-19.

Hindi rin aniya dapat matakot sa bakuna kundi dapat matakot sa panganib na dulot ng Covid-19.

Meanne Corvera

Please follow and like us: