Pangulong Duterte, nag-motor at nag-jogging sa paligid ng Malacañang

Ibinahagi ni Sen. Bong Go ang mga larawan ni Pangulong Duterte kung saan makikitang nag-eehersisyo ito at nakasakay sa motorsiklo.

Ang mga larawan ay inilabas ng senador bilang tugon sa mga nagtatanong kung nasaan ang Pangulo.

Ayon kay Go, naiintindihan niya ang sentimyento ng ilan na nais makita sa publiko ang Pangulo.

Gayunman, delikado aniya para sa sitwasyon nito na isang senior citizen ang maglalabas sa ngayon dahil ang mayorya ng kaniyang PSG ay nagpositibo sa virus.

Giit pa ng senador, ginagawa ng Pangulo ang lahat ng kanyang makakaya para makabangon ang bansa sa krisis na dala ng pandemya.

Nanawagan rin si Go ng suporta para sa Pangulo dahil hindi naman aniya kakayanin kung gobyerno lang ang haharap sa mga hamong dala ng COVID-19.

Meanne Corvera

Please follow and like us: