Pangulong Duterte nagbigay ng mensahe kay Senadora de Lima

dl

Sa kauna-unahang pagkakataon nagbigay ng mensahe si Pangulong Duterte kay Senadora Leila de Lima.

Sa ambush interview sa Malakanyang sinabi ng Pangulo na dapat manalangin si de Lima na lumabas ang katotohanan.

Si de Lima ay inaresto noong Biyernes sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Muntinlupa Regional Trial Court dahil sa kasong may kaugnayan sa pagiging protektor nito ng illegal drug operations sa bansa.

Kasalukuyang nakakulong si Senadora de Lima sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame.

Ulat ni :Vic Somintac

 

Please follow and like us: