Pangulong Duterte nagtalaga na ng OIC Secretary sa DFA

Naglagay na ng Officer in Charge o OIC si Pangulong Duterte sa Department of Foreign Affairs o DFA matapos ibasura ng makapangyarihang Commission on Appointments o CA angnominasyon  ni DFA Secretary Perfecto Yasay Jr.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na itinalaga ng Pangulo na OIC DFA Secretary si Undersecretary Enrique Manalo.

Ayon kay Abella magiging OIC ng DFA si Undersecretary Manalo hanggat hindi nakakapili si Pangulong Duterte ng bagong DFA Secretary.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us: