Pangulong Duterte , nagtalaga na ng Secretary ng Department of migrant workers

Naglagay na si Pangulong Rodrigo Duterte ng Secretary ng Department of Migrant Workers o DMW.

Itinalaga ng Pangulo si Abdulah Depurong Mama-o bilang unang Secretary ng DMW na mangangalaga sa kapakanan ng mga manggagawang Pinoy sa ibayong dagat na itinuturing na mga makabagong bayani.

Si Secretary Mama-o ay dating Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers Concern.

Itinalaga din ng Pangulo si Melvin Matibag na Secretary General ng Ruling party PDP Laban bilang bagong Cabinet Secretary kapalit ni Secretary Karlo Alexi Nograles na inilagay bilang Chairman ng Civil Service Commission o CSC.

Inilagay din ng Pangulo si Anderson Lo na dating Undersecretary ng Presidential Management Staff o PMS bilang bagong Deputy Ombudsman for Mindanao.

Vic Somintac

Please follow and like us: