Pangulong Duterte nais na manatili si Secretary Gina Lopez sa DENR

Nakahanda si Pangulong Duterte na sayangin ang kikitain ng pamahalaan mula sa mining companies para mapanatili lang sa puwesto si Department of Environment and Natural Resources o DENR Secretary Gina Lopez.

Ayon sa Pangulo hindi niya panghihinayangan ang ₱70B na kikitain ng gobyerno mula sa mga minahan sa bansa.

Inihayag ng Pangulo na hindi naman talaga intensiyon ng kanyang administrasyon na ipasara ang mga minahan dahil mayroong batas na nagpapahintulot sa kanilang operasyon.

Tiniyak din ng Pangulo na hindi pababayaan ng gobyerno ang mga residenteng maaapektuhan ng pagreregulate sa operasyon ng mga mining companies sa bansa.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us: