Pangulong Duterte nais papanagutin ang principal ng pork barrel scam

napoles

Naniniwala si Pangulong Duterte na malaki ang papel na ginampanan ni Janet Lim Napoles sa kontrobersiyal na isyu ng pork barrel scam.

Sinabi ng Pangulo na mukhang selective lamang ang nakasuhan sa pork barrel scam

Ayon sa Pangulo dapat matukoy ang pananagutang kriminal ng mga responsable sa pork barrel scam.

Samantala, kinatigan ng Pangulo ang posisyon ng Office of the Solicitor General na dapat idismiss ang kasong serious illegal detention laban kay Napoles.

Una rito, ang posisyon ng Solicitor General na idismiss ang kasong serious illegal detention ni Napoles ay umani ng batikos sa mga kritiko ng administrasyon dahil sa hinalang gagamitin si Napoles na state witness sa pork barrel scam na pumutok sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us: