Pangulong Duterte, pinaka-appreciated government official – Pulse Asia

Si Pangulong Rodrigo Duterte pa rin ang pinaka-appreciated government official.

Ito ang lumitaw sa pinakabagong survey ng Pulse Asia Research Incorporated na isinagawa noong Hunyo.

Ayon sa Ulat ng Bayan ng Pulse Asia, naka-iskor ang Pangulo ng approval rating na 82 percent, pinakamataas sa mga opisyal ng gobyerno na sakop ng survey.

Ayon pa sa Pulse Asia, lumitaw sa survey na 13 percent ng mga respondent ang undecided sa performance ng Pangulo habang 5 percent ang hindi sang ayon sa performance ng Pangulo.

Sa geographic locations, naka iskor si Duterte ng 80 percent sa National Capital Region, 75 percent sa Luzon at 95 percent sa Mindanao.

Gayunman, bumagsak naman ang approval rating ng Pangulo sa Visayas kung saan naka-iskor siya ng 84 percent mula sa 86 percent noong Marso.

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *