Pangulong Duterte posibleng bumisita sa Kuwait matapos ang Ramadan

 

Posibleng bumisita sa Kuwait si Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang Ramadan ng mga Muslim.

Ayon kay Labor secretary Silvestre Bello III, ang pagtungo ng Pangulong   Duterte sa nasabing bansa ay kaugnay ng bagong developments sa kaso ng napatay na Pinay worker na si Joanna Demafelis.

Ngayong araw  nagsimula ang isang buwang Ramadan ng mga Muslim na inaasahang matatapos sa kalagitnaan ng Hunyo.

Isa sa mga development ay pagtanggi ng pamahalaan ng Lebanon at Syria sa hiling ng Kuwait na magsagawa pa ng pagdinig para sa mag-asawang employers ni Demafelis na suspek din sa pagkakasawi nito.

Nahaharap ang mag-asawa sa parusang kamatayan makaraang matagpuan ang mga labi ni Demafelis sa loob ng freezer sa kanilang apartment sa Kuwait.

 

================

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *