Pangulong Duterte, sasailalim sa Covid-19 test – Malakanyang

Kinumpirma ng Malakanyang na sasailalim sa Corona Virus Disease o COVID 19 test si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa statement na inilabas ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na ang pagsasailalim sa COVID 19 test kay Pangulong Duterte ay hindi nangangahulugang nahawaan na ang Chief Executive kundi para masigurong nasa maayos na kalusugan ang lider ng bansa.

Sinabi ni Panelo na sasamahan ni Senador Bong Go ang Pangulo sa COVID test.

Magugunitang kasama ng Pangulo sa opening ceremony sa Harbor Link ng North Luzon Expressway noong March 5 sina Transportion Secretary Arthur Tugade at Finance Secretary Carlos Dominguez na sumailalim na sa self-quarantine matapos makumpirma na isa sa bisita na binabanggit na event ay nagpositibo sa COVID 19.

Hindi naman nilinaw ng Malakanyang kung saan isasagawa ang COVID test kay Pangulong Duterte.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us: