Pangulong Duterte sinilip ang piitan ni Senadora Leila de Lima sa Kampo Crame

Dinaanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PNP Custodial Center kung saan nakakulong si Senadora Leila de Lima pagkatapos ng anibersaryo ng Police Service na kanyang dinaluhan.

Sinabi ng Pangulo na hindi na niya tinignan ng personal si de Lima dahil malayo ito sa PNP Sport Center kung saan isinagawa ang command conference.

Ayon sa Pangulo hindi niya hahayaan na makaligtas si  de Lima sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.

Hindi rin nakaligtaan ng Pangulo na banatan ang European Union na dumalaw kay de Lima sa PNP Custodial Center sa Kampo Crame na humihiling na isailalim sa house arrest ang mambabatas.

Ulat ni: Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *