Pangulong Duterte,nakiramay sa pagkamatay ni UAE President His Highness Shiek Khalifa Bin Sayed Al Nahyan

Ipinaabot ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pakikiramay at ng sambayanang Pilipino sa gobyerno at mamamayan ng United Arab Emirates o UAE dahil sa pagkamatay ni UAE President His Highness Sheik Khalifa Bin Sayed Al Nahyan.

Sa mensaheng ipinarating ng Pangulo sinabi nitong solido ang mga Pilipino sa pakikiramay sa UAE na ngayon ay nagdadalamhati dahil sa pagkawala ng kanilang lider.

Inalala naman ng Pangulo si President Sheik Khalifa Bin Sayed Al Nahyan bilang isang visionary leader at ang pamumuno nito ang nagdala sa magandang takbo ng ekonomiya ng UAE at pagkakaruon ng malalim na ugnayan sa international community kabilang na ang Pilipinas.

Ayon sa Pangulo maaalala ang namatay na pinuno ng UAE sa kanyang legacy of leadership, talino at kabutihang loob.

Ang mensahe ng pakikiramay ng Pangulo at ng sambayanang Pilipino ay personal na ipinaabot sa pamamagitan ni Special Envoy to UEA Secretary Robert Borje.

Vic Somintac

Please follow and like us: