Pangulong Rodrigo Duterte, pinatitiyak sa mga Power Generation Companies na mag-produce ng clean energy sa bansa

Pinababantayan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Energy o DOE  at Department of Environment and Natural Resources o DENR  ang mga power generation company sa bansa.

Ito ay para malaman kung nakasusunod ba ang mga ito sa batas, mga regulasyon at polisiya ng gobyerno.

Nais ni Pangulong Duterte na malinis na enerhiya ang mai-produce ng mga energy company.

Ginawa ng Pangulo ang pahayag sa switch on ceremony ng San Buenaventura Power Limited Company na  500 megawatt coal fired power plant  sa Taguig City.

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang  mga  negosyante na  mamuhunan  sa industriya  ng malinis na  enerhiya sa bansa.

Ayon sa Pangulo malaking tulong ito para madagdagan ang power supply sa bansa.

Tiniyak ng Pangulo makaaasa   ang  mga  negosyante  na mabibigyan ng sapat na proteksyon ang kanilang negosyo at maging mas epektibo ang kanilang business strategies basta isusulong lamang ang proteksiyon ng  kalikasan at ng komunidad.

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *