Panibagong batch ng PDLs mula sa Bilibid, inilipat sa Leyte Regional Prison

Courtesy: Bureau of Corrections (BuCor)

Umabot sa 150 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, ang inilipat sa Leyte Regional Prison.

Ayon sa Bureau of Corrections, ang hakbangin ay bahagi pa rin ng programa nito para mapaluwag ang Bilibid, at paghahanda na rin para sa pagsasara nito sa 2028.

Courtesy: Bureau of Corrections

Sa kabuuan ay 9,427 PDLs mula sa Bilibid ang nailipat na sa iba’t ibang operating prison and penal farms ng BuCor.

Sinabi ng BuCor na sa budget ngayong taon ng kawanihan na P9.2 billion, ay may nakalaan na P288 million para sa aktuwal na paglipat ng PDLs sa regional prisons.

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *