Panibagong bigtime oil price hike, asahan sa susunod na linggo

Magpapatupad ng panibagong malakihang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Batay sa fuel price forecast ng Unioil Petroleum Philippines para sa June 14-20 trading week, posibleng maragdagan ng P4.30 hanggang P4.50 ang presyo ng kada litro ng diesel.

Habang may dagdag presyo rin na P1.50 hanggang P1.60 ang kada litro ng gasolina.

Ayon kay Director Rino Abad ng Energy-Oil Industry Management Bureau, ilan sa mga nagiging sanhi ng pagtaas sa presyo ng langis ay ang pagluluwag ng lockdown sa China, pagbabawal ng European Union sa pag-aangkat ng Russian oil at ang nararanasang summer season sa mga bansa sa Northern Hemisphere.

Please follow and like us: