Panibagong Curfew hours, ipinatupad sa Guinobatan, Albay

Sa pamamagitan ng Executive Order No. 11 na ipinalabas ni Guinobatan, Albay Mayor Ann Gemma Ongjoco, itinakda ang curfew sa lunsod mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-3:00 ng madaling-araw.

Ito ay bilang tugon sa tumataas na kaso ng Covid-19 sa nasabing bayan at malimit ang paglabas-labas ng mga tao.

Ipinatupad ito simula kahapon, Abril 14.

Ed Ojano, EBC Correspondent

Please follow and like us: