Panibagong LPA na nasa PAR, posibleng maging bagyo sa susunod na 24 oras

Magpapaulan ngayong araw sa ilang bahagi ng bansa ang Low Pressure Area (LPA) at Habagat.

Ang LPA na binabantayan ng Pagasa ay nakapasok na ng bansa at huling namataan sa layong 770 East ng Guiuan, Eastern Samar.

Sa susunod na 24 hanggang 36 na oras ay magiging isang ganap na bagyo ang LPA at papangalanan itong Jenny.

Inaasahan ding tatama sa kalupaan ang bagyo sa bahagi ng Northern Luzon.

Ang buntot ng nasabing LPA at ang Habagat ay magpapaulan ngayong araw sa Mimaropa, Bicol region, Visayas, Caraga region, Northern Mindanao at Zamboanga peninsula.

Ang mga residente ay pinapayuhang maging maingat sa posibleng flash floods o landslides.

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *