Panibagong oil price hike, asahan ngayong linggong ito

Muling magpapatupad ng taas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis ngayong linggong ito.

Sa Fuel forecast ng Unioil Petroleum Philippines, maaaring tumaas ng P1.80 hanggang P1.90 ang presyo ng kada litro ng diesel habang nasa P1.40 hanggang P1.50 naman ang kada litro ng gasolina.

Ito na ang magiging ikatlong magkasunod na linggong pagtaas sa presyo ng langis.

Please follow and like us: