Panukalang batas laban sa mga siga sa kalsada, pinasesertipikahang urgent ng Kamara kay PBBM

0
Panukalang batas laban sa mga siga sa kalsada, pinasesertipikahang urgent ng Kamara kay PBBM

San Jose Del Monte City Representative Rida Robes

Dahil sa sunod-sunof na insidente ng road rage na kinasasangkutan ng mga motorista, hinihiling ng Kamara kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na sertipikahang uegent ang Anti-Road Rage Bill.

Sinabi ni San Jose Del Monte City Representative Rida Robes, pangunahing may-akda ng Anti-Road Rage Bill, na sumulat na siya sa Office of the President para gawing urgent ang panukalang batas na magpapataw ng parusa sa mga abusado sa kalsada.


San Jose Del Monte City Representative Rida Robes

Ayon kay Robes, kapag naging urgent ang Ati-Road Rage Bill, kaya pa itong maihabol bago ang Sine Die Adjournment ng 19th Congress sa June 14 ng taong kasalukuyan.

Inihayag ni Robles na nilalayon ng Anti-Road Rage Bill na mapigilan ang road rage, magkaroon ng kamalayan ang publiko sa tamang asal sa pagmamaneho, mahigpit na impleentasyon ng mga batas sa kalsada partikular ang road courtesy, at magkaroon ng malakas na karapatan ang biktima na maghabla sa sinumang naghahari-harian sa lansangan.


San Jose Del Monte City Representative Rida Robes

Niliwanag ng kongresista, na kung magiging ganap na batas ang Anti-Road Rage Bill ay papatawan ng parusang pagkakabilanggo ng hindi bababa sa anim na buwan, at multang P250-thousand ang suspek sa minor offense.

Subalit mahaharap sa kasong kriminal na may parusa sa ilalim ng Revised Penal Code, kung ang suspek ay nakapatay o kaya ay nasugatan ng malubha ang biktima.

Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *