Panukalang Batas na lakihan ang plate number ng mga motorsiklo pirmado na ni Pangulong Duterte

Batas na ngayon ang panukalang batas na gawing mas malaki ang plate number para sa mga motorsiklo.

Ito’y matapos na lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11235 o ang “Motorcycle Prevention Act” na kung saan saklaw ng bagong batas ang mga traysikel.

Prison correccional o pagkakulong ng anim hanggang labing dalawang taon o di kaya’y multa ng aabot mula sa 50 libong piso ngunit hindi hihigit sa 1 daang libong piso ang kakaharapin ng sinomang lalabag sa bagong batas.

Bukod dito’y inaatasan naman ang DILG na matiyak sa lahat ng LGUs na magkaroon ng impounding area dahil kasama sa parusa ang pagkumpiska sa motorsiklo o traysikel ng isang violator.

 

Ulat ni Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *