Paolo Duterte nakialam din umano sa pag aresto sa drug suspect sa Davao

Tinangka umanong arborin ng anak ni dating Davao Mayor at ngayo’y Pangulong Rodrigo Duterte na si Paolo Duterte ang isa sa mga drug suspect noong 2014.

Sa kaniyang testimonya sa Senado, sinabi ni SPO3 Arturo Lascanas na inutusan siya noon ni Paolo na harangin ang van na pag-aari ng isang Charlie Tan na hinihinalang naglalaman ng mga shabu.

Pero nang dumating  ang sasakyan ni Tan, tinawagan siya ni Paolo at pinagsabihang huwag nang ituloy ang kaniyang instruction at ito na ang bahala sa hinihinalang drug lord.

“Bago ako makarating, sabi niya sa ‘kin ‘Arbor ko na lang, bro. Ako na lang bahala kay Charlie.’ Dito nagkaroon ako ng maraming iniisip. Puwede palang mamili. Samantalang ako, nakalubog ang dalawang paa ko sa impiyerno dahil sa pag-impose sa campaign ni Mayor Rody against illegal drugs”Simula noon, hindi na ko nakipag-communicate kay Pulong”- Lascanas

Ulat ni: Mean Corvera

Please follow and like us: