Parent Orientation at Dry Run ng mag-aaral inilunsad sa Muntinlupa

Photo: Teacher Annaliza Regal

Nagsagawa ng parent orientation ang lungsod ng Muntinlupa at mga barangay sa bawat lugar, kaugnay ng pagbubukas ng klase para sa School Year 2022-2023.

Sa Cupang Elementary School ay inilatag ng mga guro ang mahahalagang impormasyon na gagawin sa pagbubukas ng klase sa Lunes, Agosto 22.

Photo: Teacher Annaliza Regal

Nagkaroon din ng dry run ang mga batang mag-aaral na magsisipasok sa Lunes, na binilinan ng mga guro na hangga’t maaari ay magsuot ng uniporme sa pagtungo sa paaralan at huwag kalimutan ang nametag.

Sakali namang wala pang school uniform ay maayos na damit ang isuot, magbaon ng sariling tubig na inumin at pagkain, huwag kalilimutan ang kagamitang gagamitin sa pag-aaral gaya ng lapis at papel.

Kasama rin sa ibinilin ng mga guro sa orientation ang pagsusuot ng facemask at pagdadala ng sariling alcohol.

Henry Crisostomo

Please follow and like us: