Partial road closure, ipatutupad sa Makati mula Mayo 6 hanggang Mayo 8

Photo: www.facebook.com/MMDAPH

Magkakaroon ng partial road closures sa lungsod ng Makati, na nagsimula kahapon, Biyernes, May 6, alas-9:00 ng gabi at tatagal hanggang bukas, Linggo, May 8, ala-6:00 ng umaga.

Ang mga apektadong lugar ay ang mga sumusunod:

1. Ayala Avenue (mula Fonda St. hanggang Gil Puyat Ave.)

2. Paseo de Roxas St. (mula Dela Rosa St. hanggang Makati Ave.)

3. Makati Ave. (mula Dela Rosa St. hanggang Paseo de Roxas)

4. V.A. Rufino St. (mula Dela Rosa St. hanggang Valero St.)

5. Salcedo St. (mula Dela Rosa St. hanggang Valero St.)

Narito naman ang detalye ng re-routing:

• Ang mga pribadong sasakyan at Public Utility Vehicles (PUBs) na gumagamit sa East Bound Lane ng Ayala Avenue ay maaaring dumaan sa Gil Puyat patungong EDSA.

• Ang Public Utility Jeepneys (PUJs) na manggagaling ng Washington Terminal patungong McKinley Terminal at ang mga pribadong sasakyan na gumagamit sa West Bound Lane ng Ayala Avenue ay maaaring dumaan sa mga alternatibong ruta gaya ng mga sumusunod:

a) Ang PUJs na magmumula sa Washington Terminal patungong McKinley (Chino Roces – Dela Rosa – Amorsolo – Arnaiz – East St. – Ayala Avenue)

b) Ang PUJs na magmumula sa McKinley Terminal patungo sa Washington Terminal (Ayala Avenue – Parkway Drive – West St. – Arnaiz Amorsolo – Rufino – Chino Roces)

c) Mga pribadong sasakyan na dumaraan sa West Bound ng Ayala Avenue patungong Buendia ay ire-reroute sa Ayala Avenue – Parkway Drive – West St. – Arnaiz Amorsolo – Rufino – Chino Roces.

Kaugnay ito ng Miting de Avance ng presidential candidate na si Leni Robredo at kaniyang running mate na si Kiko Pangilinan, na gaganapin sa Ayala Avenue ngayong Sabado, May 7, 2022.

Please follow and like us: