Partido reporma ‘di na pwedeng magpalit ng kandidato – COMELEC
Hindi na pwedeng magpalit ng kandidato ang Partido reporma.
Ito ang nilinaw ng Commission on Elections kasunod pag-endorso ng partido kay Vice president Leni Robredo bilang susuportahan nilang kandidato sa pagka-pangulo.
Paliwanag ni Comelec commissioner George Garcia, natapos na noong Nobyembre a kinse ang panahon para sa pagpapalit ng mga kandidato.
Sa ngayon, ang substitution ay pinapayagan lang aniya kung ang kandidato ay nadiskwalipika o namatay.
Dahil rito, para aniya sa Comelec, si Senador Panfilo Lacson parin ang kandidato ng partido reporma para sa May 9 elections.
Ito ay kahit nagbitiw na rin sa partido si Lacson at nagdeklara na tatakbo siya bilang isang independent candidate.
Madz Moratillo