Partylist coalition nagbabala sa mga magtatangka na bumili ng kanilang boto sa House Speakership

Kasunod ng mga ulat ng vote buying sa house speakership, nagbabala ang partylist coalition sa kamara na papangalanan ang mga magtatangka na bumili sa kanilang boto.

Ayon kay 1PACMAN Partylist  Rep. Mikee Romero nakakainsulto ang kumakalat na bilihan ng boto sa House Speakership.

Kanina muling nagkaroon ng general assembly ang Partylist coalition kung saan kinausap naman nila si Pampanga Cong. Aurelio Gonzales na isa sa kandidato sa pagka house speaker.

54 ang myembro ng Partylist coalition at sa botohan sa house speakership ay bloc voting umano ang kanilang gagawin. Dalawampung porsyento ng representasyon sa committee chairmanships at mga pangunahing posisyon ang hiling nila sa sinumang magiging susunod na lider ng Kamara.

Ulat ni Madelyn Moratillo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *