Pasahero sa NAIA, dagsa na

Nagsimula nang dumami ang bilang ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport Terminal ilang araw bago ang Holy Week ng mga Katoliko.

Bagaman mahaba ang pila, mahigpit pa ring ipinapatupad ang mga security measure na kailangan pagdaanan ng mga pasahero.

Samantala, noong linggo ay naging mahaba ang pila ng mga pasahero sa immigration counters ng NAIA Terminal 3 dahil tatlong counters lamang ang bukas sapagkat marami ang absent sa mga immigration personnel.

19 na immigration officers ang absent ng ilang linggo matapos suspendihin ang pagbigay sa kanila ng overtime pay.

 

 

 

Please follow and like us: