Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano nagpositibo muli sa COVID-19

Sa ikalawang pagkakataon ay nagpositibo sa COVID-19 si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano.

Ayon sa tanggapan ng alkalde, agad na sumailalim sa RT-PCR test si Rubiano matapos na makaranas ng sore throat noong nakaraang linggo at lumabas na positibo nga ito sa virus.

Naka-isolate na ang mayor sa isang undisclosed health facility.

Tiniyak ng opisina ng Pasay mayor na patuloy na gagampanan nito ang mga trabaho at magsasagawa ng online meetings hanggang sa ito ay gumaling.

Una nang nahawahan ng COVID si Rubiano noong Pebrero 2021.

Moira Encina

Please follow and like us: