Pasig City, mayroon ng anim na Covid-19 testing booths

Mayroon nang anim na testing booth sa Covid-19 ang Pasig city.

Sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto nakapuwesto ang mga testing booth sa Superhealth centers ng lungsod.

Ayon sa alkalde, kung nais na matapos nang mas maaga ang quarantine ay kailangan ang pagsasagawa ng marami at malawak na Covid 19 testing.

Aniya, malapit nang maubos ang backlog o nakabinbin na test para sa mga Person under Investigation.

Kabilang sa mga isasailalim sa expanded testing sa Pasig city ang mga healthcare workers.

Ayon kay Sotto, ang mga testing booth ay  naitayo sa pakikipagtulungan ng Deecon Electronics at Dee Hwa Liong academy.

Una nang lumagda sa kasunduan ang Pasig government at The Medical city para matugunan ang pending na Covid 19 tests sa lungsod.

Tinatayang 270 test kada linggo na ang maisasagawa ng Lunsod.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us: