Pasok ng mga empleyado ng DOLE Region 4a, hanggang mamayang tanghali na lang.

Hanggang mamayang alas 12 na lamang ng tanghali ang pasok ng mga empleyado ng DOLE Regional Office ng Calabarzon ngayong araw. 
Sa abiso na inilabas ng DOLE Calabarzon, ginawa na nilang halfday ang pasok ng kanilang mga kawani para bigyang daan ang paggunita sa semana santa ng mga kababayan nating katoliko. 
Kasama din sa mga half day nalang ang pasok ng mga empleyado ang mga provincial offices ng DOLE sa Region 4a.
Magbabalik operasyon naman ang Tanggapan ng DOLE Calabarzon at mga provincial offices nito sa susunod na lunes, Apr. 5.

Please follow and like us: