Pasok sa Korte Suprema at lahat ng hukuman sa buong bansa, kalahating araw lamang sa April 17

Hanggang alas-12:00 ng tanghali lamang ang pasok ng mga kawani at opisyal ng Korte Suprema at iba pang hukuman sa buong bansa sa Miyerkules, April 17.

Ayon sa Supreme Court Public Information Office, iniutos ni Chief Justice Lucas Bersamin ang half-day na pasok para mabigyan ng pagkakataon ang mga empleyado ng hudikatura na umuwi ng mas maaga sa kani-kanilang probinsya para sa long holiday.

Pero para naman sa mga korte na nasa loob ng Local Government Owned o Controlled buildings, walang pasok ng buong araw ang mga ito kung idideklara ng LGUs ang whole day suspension ng trabaho.

Ulat ni Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *