Pasok sa Korte Suprema at sa first at second- level courts sa Maynila, suspendido ngayong Lunes

Walang pasok ngayong araw sa Korte Suprema at sa lahat ng first at second- level courts sa Maynila.

Sinuspinde ang pasok sa mga nasabing hukuman dahil sa pista ng mga kababayan nating Katoliko para sa kanilang Itim na Nazareno.

Ito ay bunsod na rin ng inaasahang pagbibigat ng trapiko dahil sa ipinapatupad na road closures sa ilang lugar sa lungsod dahil sa nasabing aktibidad.

Hindi naman kasama sa work suspension sa Suprema Court ang ilang kawani nito na maaaring obligahin na pumasok para tumulong sa mga tauhan na nasa Baguio City para sa sesyon doon.

Kinakailangan din na may standby workforce sa mga lower court sa Maynila para makatuwang ng executive judges sa pagproseso ng bails, release orders, urgent writs at iba pang mahahalagang trabaho.

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.