Pasok sa mga eskwelahan at trabaho sa ilalim ng Manila LGU sa Enero 9, suspendido na

Iniutos na ni Manila city Mayor Isko Moreno ang suspensyon ng mga klase sa lahat nga unibersidad, kolehiyo at paaralan sa lungsod ng maynila sa Enero 9 o araw ng Traslacion ng mga Katoliko.

Kasabay nito, iniutos din ni Mayor Isko ang suspensyon ng trabaho sa lahat ng mga departmento, opisina at mga  kawanihan  na nasa ilalim ng Manila City government.

Hindi naman sakop ng utos ang mga City Government offices na may kinalaman sa peace and order, public services, traffic enforcement, disaster risk reduction and management, maging sa sanitation.

Ang suspensyon ng trabaho sa national government offices at private companies na nasa Maynila ay nasa diskresyon na ng kani-kanilang management o ng Heads of Office.

Ulat ni Madz Moratillo

Please follow and like us: