Pasok sa mga Korte sa buong bansa bukas Sept. 21 suspendido na rin

Sinuspinde na rin ng Korte Suprema ang pasok sa lahat ng hukuman bukas, September 21 matapos na ideklara ito ng Malakanyang na National Day of Protest.

Ayon sa Supreme Court Public Information Office,  pitumpung porsyento ng mga Korte sa bansa ay nasa gusali ng mga Local Government Units na apektado ng work suspension kaya iniutos na rin ang suspensyon ng pasok sa mga hukuman.

Ang kautusan ay ipinalabas ni Acting Chief Justice Senior Associate Justice Antonio Carpio dahil naka-wellness leave si Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Inaasahan ang kaliwat-kanang protesta sa huwebes kasabay ng ika- apatnaput -limang anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *