Pasok sa mga paaralan at tanggapan ng gobyerno sa Laguna, suspendido

Sinuspinde ni Laguna Gov. Ramil Hernandez ang mga klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong eskuwelahan sa lalawigan ngayong Miyerkules, Setyembre 8 dahil sa masamang panahon dala ng bagyong Jolina.

Sakop din ng suspensyon ang lahat ng learning delivery modalities sa Laguna.

Wala ring pasok ang mga tanggapan ng pamahalaan sa Laguna.

Ito ay maliban sa mga opisina ng gobyerno na may kinalaman sa serbisyong medikal, paghahanda sa bagyo, rescue operations at iba pang government frontline services.

Sa pinakahuling weather bulletin ng PAGASA, nasa ilalim ng signal number 2 ang Laguna dahil sa bagyong Jolina.

Moira Encina

Please follow and like us: