Pasok sa SC at lahat ng korte sa buong bansa, halfday nalang bukas

Half-day na lamang ang pasok sa lahat ng hukuman sa buong bansa bukas, April 12.

Sa abiso ng Supreme Court Public Information, sinabi na mula alas otso ng umaga hanggang alas dose ng tanghali lamang ang pasok ng mga opisyal at kawani ng mga korte sa buong bansa sa Miyerkules.

Ito ay batay sa direktiba ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ipinag-utos ni Sereno ang half-day work schedule sa buong hudikatura bilang pag-obserba sa Semana Santa ng mga Katoliko.

Magbabalik ang regular na operasyon sa mga korte sa Lunes, April 17.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published.