PCG, nagsasagawa ng search and rescue operation sa nawawalang bangka sa karagatang sakop ng Basilan and Sulu

Nagsasagawa na rin ng search and rescue operations ang Philippine Coast Guard (PCG) kasunod ng ulat hinggil sa isang nawawalang jongkong-type motorbanca sa karagatang sakop ng Basilan and Sulu. 

Ayon sa PCG, ang nasabing bangka ay may sakay na 6 katao kabilang ang tatlong menor de edad. 

Ang nasabing bangka ay umalis umano sa  Barangay Marang-Marang, Isabela City, Basilan patungong Jolo, Sulu noon pang Disyembre 29. 

Pero hindi umano ito nakarating sa kanyang destinasyon at ang cellphone ng mga pasahero ay hindi rin ma-contact. 

Kasunod ng report, agad nagdeploy ang  PCG ng maritime patrol teams para maghanap sa mga nawawalang pasahero.

Humingi na rin sila ng ayuda sa mga sasakyang pandagat na dadaan sa lugar sakaling mamataan ang nawawalang bangka.

Madz Moratillo

Please follow and like us: