PCP Commander sa Maynila sinibak sa pwesto

Sinibak sa pwesto ni Manila Police District Chief Brigadier General Leo Francisco ang hepe ng Remedios Police Community Precinct na si Lt. Cris Duque.

Ayon kay Francisco, ipinag- utos nya ang pagsibak kay Duque dahil sa kapabayaan nito gayong may ipinatutupad na lockdown sa nasasakupan nito.

Nag- ikot umano si Francisco kaninang alas dos ng madaling araw at nakita nyang dalawa lang ang nakaduty na pulis sa labas ng Malate Bayview Mansion gayong naka lockdown ito.

Sa ganitong sitwasyon dapat ay minimum na 10 pulis aniya ang nakaduty sa lugar sakaling magkaroon ng kaguluhan.

Sa ngayon ay may mga nakaharang na yellow line sa labas ng Bayview Mansion para masigurong walang maglalabas pasok rito.

Ang lockdown ay tatagal hanggang sa Linggo.

Una rito inanunsyo ni Manila Mayor Isko Moreno na isasailalim sa lockdown ang Barangay 351, Barangay 725 at Malate Bayview Mansion at Hop Inn Hotel dahil sa pagtaas ng active cases ng COVID-19 sa mga nasabing lugar.

Madz Moratillo

Please follow and like us: