Pemberton dapat makulong na sa NBP- Gabriela Partylist

Hiniling  ng Gabriela Party-List na mailipat na si Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa New Bilibid Prisons.

Ito’y matapos na ibasura ng Court of Appeals ang apela ni Pemberton sa kanyang homicide case.

Dahil dito, iginiit nina Reps. Emmi de Jesus at Arlene Brosas na panahon na para mailipat sa tamang kulungan si Pemberton.

Sa kasalukuyan, sa loob ng Kampo Krame nakakulong si Pemberton dahil sa pagpatay sa transgender na si Jennifer Laude.

Ayon kina de Jesus at Brosas, dapat ipataw na kay Pemberton ang parusang itinakda ng batas para sa krimen na nagawa nito.

Patutsada pa ng dalawang kongresista, makikita naman na sa simula pa lamang ay binibigyan na ng gobyerno ng special treatment si Pemberton.

 

Please follow and like us: